GJC HYMN
Sumilang na isang dukha
Sa kandungan ng dalita
Ngunit ginto ang kamukha
Nagningning na mahimala
Noong siya ay nag-aaral
Natangi sa kabaitan
Napuri sa kasipagan
Nabantog sa karunungan
Luha, dugo, pagbabata
Sampu ng buhay na maganda
Inihandog na lahat, lahat na
Sa ngalan ng bayang sinta
Sa silanga’y napatampok
Ang bayaning napalugmok
Ang heneral na napatampok
Na si Simeon de Jesus
Ang heneral na nabantog
Na si Simeon de Jesus
